Hinihintay nalang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. kung anung pipiliing pwesto nina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at retired Professor Clarita Carlos, kung saan posisyon sa gobyerno sila mas magiging epektibo.
Ayon kay Marcos, lagi niya tinatanong ang mga potential appointees ng: “Where do you feel the most useful?” bago magdesisyon kung saan niya ito ilalagay sa papasok na administrasyon.
Mababatid na Marcoleta ay bahagi ng 2022 Senate slate ni Marcos, bago umatras sa kandidatura, para ma-exempt siya mula sa ban ng pagtatalaga sa losing candidates sa government posts ng hanggang isang taon, matapos ang halalan.

Si Carlos naman ay ang Executive Director ng Center for Political and Democratic Reform Inc, na isang non-government at non-profit think tank, at naging panelist rin ito sa nag-iisang presidential debate na dinaluhan ni Marcos.
Samantala, hindi pa naman nakakapili ang president-elect ng kanyang magiging Solicitor General, pero mapalad umano siya dahil may ilang legal luminaries ang handa na samahan siya sa gobyerno.