5,484 new COVID-19 infections, dahilan para maitala ang 49K active cases

Naitala ng Pilipinas ang kabuoang kaso ng coronavirus disease 2019 sa 1,455,585, matapos maiulat ng Department of Health (DOH) ang 5,484 na mga bagong infections.

Dahil dito, tumaas ang active cases sa bansa sa 49,036, kung saan 90.9% dito ang mild, 3.7% ang asymptomatic, 2.2% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng DOH ang total recoveries na 1,380,899, matapos gumaling ang 3,925 pang pasyente mula sa respiratory illness.

Samantala, ang death toll naman ay umakyat rin sa 25,650 matapos madagdagan ng 191 bagong fatalities.

Ayon sa DOH, ito ang pinakamataas na daily fatalities na naitala simula noong June 11.