125 sako ng explosive chemicals narekober ng PCG sa motor banca sa Palawan

Naharang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang motor banca na may dalang 125 sako ng ammonium nitrate sa karagatang sakop ng Malampaya Gas Platform, malapit sa Palawan.

Ayon sa PCG, nagsagawa sila ng joint law enforcement operations kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa gitna nito, namataan ng BRP Cabra (MRRV-4009) ang M/B Escario Express A na papunta sa Malampaya Gas Platform sa kanilang pagpa-patrolya.

Nang lumapit ang BRP Cabra sa Escario Express A, nagsimula nang magpatakbo ng mabilis ang bangka at agad na tumakas.

Dagdag ng ahensya, matapos ang hot pursuit na tumagal ng 25 minuto, nahuli ang motorbanca ng PCG – BFAR joint law enforcement operatives, kung saan nadiskubre ang ammonium nitrate.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Batay PCG, ang ammonium nitrate ay ang chemical compound na ginagamit sa pag-gawa ng mga pampasabog.

Maliban dito, may apat na kahon pa ng pinuslit na sigarilyo ang nadiskubre sa barko. // MHEL PACIA-TRINIDAD