5,279 new COVID-19 cases; Active cases nasa 60,957 pa

Nagtala ang Health Department ng 5,279 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang kabuoang bilang ng active cases sa 60,957.

Sa inilabas na datos ng DOH para sa araw ng Linggo, lumalabas na mayorya sa mga kaso o 77.5% ay mild, 9.20% ang moderate, 6.1% ang asymptomatic, 5.1% ang severe, at 2.1% ang kritikal.

Dahil sa mga bagong kaso, ang kabuoang tally na ngayon ay 2,756,923, na kinabibilangan ng 2,654,173 recoveries, o katumbas sa 96.3% ng caseload, kung saan 7,312 ang bago.

Samantala, may 208 naman na karagdagang fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 41,793 o 1.52%. //MHEL PACIA-TRINIDAD