Muling nakasungkit ng world championship title ang Pinoy pride na si Carlos Edriel Yulo matapos nitong magwagi sa vault appratus ng 2021 World Artisic Gymnastics Championships.
Ginanap ang naturang kompetisyon sa Kitakyushu City General Gymnasium sa Japan noong Linggo.
Unang nag-perform si yulo mula sa walong finalist, ngunit agad itong nakapagtala ng mataas na puntos nang umabot ito sa 14.800 sa first vault at 15.033 sa second.
Ito na ang ikalawang beses na nagkamit ng world championship si Yulo, kung saan ang una ay noong 2019 matapos niyang magwagi sa floor exercise.
Gayunman, noong kamakalawa ay nabigo si Yulo na madipensahan ang kaniyang titolo sa floor exercise.
Matatandaan na naging susi ni Yulo ang kaniyang tagumpay sa floor exercise noong 2019 upang makapasok sa Tokyo Olympics.
