Divilacan at Maconacon, insurgency-cleared na

Idineklara na ring Insurgency Cleared ang Divilacan at Maconacon, Isabela sa bisa ng Resolution No. 103 at 29 na inaprubahan ng Sangguniang Bayan.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) at ng Municipal Peace and Order Council.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Matapos ang pagdedeklara ay nagpasalamat ang mga residente sa lugar sa MTF-ELCAC at law enforcement agencies sa pagtiyak ng seguridad dito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Inihayag naman ni MGen Audrey Pasia ang Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na titiyakin pa rin nila ang seguridad at kapayapaan sa mga coastal town ng Isabela.