50 sasakyan na- impound sa isinagawang operasyon ng HPG kahapon

CAMARINES NORTE- Aabot sa 50 mga sasakyan ang na- impound sa isinagawang operasyon ng PNP Highway Patrol Group sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon ng umaga.

Ayon sa Provincial Highway Patrol Team nasa pitong motor vehicle at 43 motorsiklo ang naisyuhan ng Temporary Operators Permit at Traffic citation Tickets dahil sa iba’t- ibang paglabag.

Ginawa ang Oplan  Lambat  Bitag Sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Itomang sa bayan ng Talisay at Magang at Lag on naman sa bayan ng Daet.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Tulad ng dati, katuwang ng HPG ang Local Police at Traffic Enforcers gayundin ang force multipliers.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito na ang ika 37 Simultaneous One Time Big Time  Oplan  Lambat  Bitag Sasakyan ng HPG, ang prgramang sinimulan noong huling bahagi ng 2020.

Paaalala ng HPG sa mga motorista na sumunod sa batas upang iwas huli at abala.

(Photos: PNP HPG)