Vaccination sa mga bedridden sa Naga City nagpapatuloy sa kabila ng pagtanggi ng ilan

NAGA CITY – Tulad ng mga ordinaryong senior citizens, may mga bedridden ding tumatangi sa bakuna, sa kabila ng patuloy na isinasagawang libreng vaccination ng City Government sa mga nasa priority list kabilang na nga itong nasa A2 at A3 categories.

Ang ganitong senaryo ay inaasahan na rin ng medical team ng  City Health Office na  ilang linggo ng nagsasagawa ng house to house vaccination sa mga bedridden na wala ng kakayahang pumunta sa mga itinalagang vaccination sites ng lungsod.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Katulong ang mga barangay opisyal, sa pagpapaliwanag sa pamilya ng mga bedridden na kailangan mabakunahan ang mga ito bilang proteksyon nga sa Corona Virus Disease.

Nakausap naman ng Brigada News FM Naga si Punong Barangay Corazon Peñaflor ng Barangay Calauag at nabanggit nito na nangyayari din ito sa kanyang lugar.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pangunahing dahilan sa pagtangi ay takot na baka lumala pa ang sakit ng mga nakaratay nilang pamilya lalo pa at may namatay na bedridden sa kanyang barangay matapos na mabakunahan.

Ayun kay Peñaflor ang mga namatay na bedridden sa kanila ay matagal na ring maysakit, bago pa ito nabakunahan.