PHO naghahanda na rin sa implementasyon ng mandanas ruling na sisimulan sa susunod na taon

CAMARINES NORTE- Pinaghahandaan na ng Provincial Health Office (PHO) ang implementasyon ng Mandalas ruling o ang paglilipat ng mga functions na dating hinahawakan ng National Government Agency sa Local Government Unit.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na malaki ang bentahe ng Mandanas ruling dahil sa karagdagang pondo na magagamit sa delivery ng health services.

Sa ilalim ng Mandanas ruling sinabi ng Supreme Court na ang mga LGUs ay may karapatan sa share ng lahat ng national taxes hindi lang sa national internal revenue taxes.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Francisco magagamit ang karagdagang pondo sa Human Resource for Health at sa mga programa lalong lalo na ang pag develop sa healthcare system ng lalawigan.

Ilan lamang sa mga health programs na hinahawakan ngayon ng national government agency na magiging “sole responsibility” na ng probinsiya ay ang rabies, rehabilitation centers, First 1000 days at iba pa.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Gayunman tuloy pa rin naman daw ang pagbibigay ng tulong ng DOH sa PHO  partikular sa health program for improvement

Katulad na lamang ng nakalinya ngayong expansion ng dialysis center.

Inaasahang sa 2023 ay darating ang apat na dialysis machine sa Camarines Norte Provincial Hospital pero  umaapela  ang PHO na maibigay ng mas maaga.