NAGA CITY – May 91 bagong naitalang kaso ng Corona Virus Disease sa Naga City kahapon batay sa inilabas na bilang ng Health Emergency Response Task Force kagabi.
Sa datus na ito, may limang senior citizens na may sakit ang namatay na.
Ang mga namatay na mga senior citizens dahil sa komplikasyon ng COVID-19 ay 74 taong gulang na lolo na taga Barangay Tinago, fully vaccinated na; ang dalawang lolo na 72 at 73 taong gulang na parehong taga Barangay Pacol ; ang 96 taong gulang na lola na naninirahan naman sa Barangay San Felipe ; at ang isa pang 75 taong gulang na lolo namang taga Barangay Del Rosario na fully vaccinated na rin.
Sila ay namatay habang naka confine sa Bicol Medical Center at Naga City Hospital.
Ang iba pang mga nag positibo ay kinabibilangan ng beautician, ilang mga drivers, call center agent, teacher, doktor, engineer, pulis at ilang mga nurses.
44 sa mga bagong nagkasakit na ito ay hindi pa bakunado. May 34 naman na fully vaccinated na at 61 sa kanila ay nakaranas ng mild symptoms.
Nakuha ng mga biktima ang virus sa kanilang mga closed contacts at sa labas ng kanilang bahay o sa komunidad.