Voter’s registration sa Naga City, inilipat na sa isang malaking mall, upang maiwasan ang paglabag sa health protocols

NAGA CITY – Nagkaroon ng panibagong venue ng voter’s registration sa Naga City upang maiwasan ang paglabag sa health protocols.

Matatandaang nitong nagdaang araw ay dinagsa ang COMELEC Office ng mga humahabol na makapaparehistro na kung saan ay hindi napigiling magkumpulan ng mga nasa lugar at nalabag ang health protocol laban sa COVID-19.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Bilang tugon ng COMELEC, inilipat sa Robinsons Mall sa Diversion Road ang venue ayon kay COMELEC Officer Atty. Mico Julia nang sa gayon ay maiwasan ang hawaan ng COVID 19 lalo na nakapagtala ng 86 bagong kaso sa lugar kahapon.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Julia ipinayo nito sa publiko na maagang pumila bago matapos ang voter’s registration.