BINIGYAN ng pagkilala ng pamunuan ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region ang limang myembro ng kapulisan kasabay ng kanilang mas pinalakas na kampanya kontra ipinagbabawal na gamot at mga kriminalidad.
Mismong si Police Brigadier General Prexy Tanggawohn ang nagbigay ng parangal kina PLTCOL ERWIN G. TABORA, PSMS Jawardin B. Saglayan, PSSg Samad A. Dimaampao, PSSg Ramon R. Endrina at PCpl Mohnaem S. Brie ng Medalya ng Kagitingan.
Sinabi ni General Taggawohn na ang Medalya ng Kagitingan award ay kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation noong June 4, 2024 na ikinadakip ng apat katao at pagkakarekober ng isang gramo ng shabu at dalawang kalibre 45 na pistola.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat ang opisyal sa dedikasyon at serbisyo ng mga ito kasabay ng kanyang papuri sa mga ito. (Jom Dimapalao)