CAMARINES SUR- Patay ang isang 21 taong gulang na binata sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur matapos na matumbahan ng tatlong malalaking puno ng papaya.
Kuwento ng kapatid ng biktimang kinilalang si Jason Baal, naghuhugas ng pinggan ang kanyang kuya sa likod ng kanilang bahay nang humampas ang isang malakas na hangin na naging dahilan ng pagkakatumba ng puno ng papaya sa biktima.
Tinamaan ang batok at tumama rin ang kanyang mukha sa bato na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Ang mas masakit pa sa pamilya, kauuwi lamang ni Jason galing sa Maynila upang dumalaw sa burol ng kaniyang ina subalit sa hindi inaasahan nangyari ang insidente.
Nanawagan ng tulong ang pamilya nito.