5 pekeng gov’t employees, hinarang sa NAIA

Limang babae na umano’y  government employees ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), nagpresenta ang mga ito ng mga kahina-hinalang travel documents.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Sa imbestigasyon, inamin nila na wala silang trabaho sa kasalukuyan at ang suspicious document ay ibinigay lamang ng kanilang handlers.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sinabi ng dalawa sa limang babae na nagbigay sila ng P30K sa recruiter upang tulungang makapunta sa bansang Thailand.