Likas sa mga gagamba na mamahay sa kahit saan mang sulok ng bahay at kung saan pa man.
Nunit, paano na lamang kung ang mismong tainga ng isang tao ang kaniyang pamugaran?
Iyan ang nangyari sa isang 64-anyos na lola sa Taiwan kung saan, natagpuang mayroong gagamba sa loob ng kaniyang tainga matapos na ipatingin sa doctor.
Ito’y maituturing na isang kakaibang medical case na talagang pinag-usapan matapos maisapubliko ang case report.
Napag-alaman na hindi umano makatulog ang matanda dahil sa nararamdaman niya ang paggalaw nito at tunog ng pagtibok sa kaniyang kaliwang tainga.
Agad naman umano nagpatingin sa doktor ang lola dahil sa pag-aakalang mayroon itong kinalaman sa kaniyang hypertension at dito na nga bumulaga ang isang gagamba.
Napag-alaman din na mistulang matagal na ang gagamba sa kaniyang tainga dahil sa nakita rin sa loob ang dating balat nito.
Kalauna’y natanggal din ang gagamba at pinabalatan nito sa tulong ng tube na humigop ditto palabas sa tainga.
Sa kasalukuyan, nawala na ang inirereklamo ng pasyente sa kaniyang tainga at wala naman naitalang ano mang uri ng pinsala sa kaniyang eardrum. ###WENCY LISAY