CAMARINES NORTE- Patuloy na nakakapagtatala ng mga pasyenteng gumagaling sa sakit na COVID-19 ang Camarines Norte
Kahapon sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol nadagdagan muli ng 5 ang mga pasyenteng nakarekober sa sakit
Dahilan upang umakyat na 1,113 ang total recoveries
Ngunit nadagdgaan rin ng isang kaso ang mga nawalan ng buhay kung kaya’t umaabot na sa 75 ang bilang ng mga naitatalang nasawi sa COVID-19 sa probinsya
Habang wala namang naitalang panibagong kaso kung kaya’t nananatili sa 1,419 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng Virus sa lalawigan at bumaba naman sa 231 ang aktibong kaso
Sa huling ulat ng DOH, Nasa moderate risk ang Camarines Norte simula noong July 25- 31 pero pagpasok ng Agosto ay nasa minimal risk na ito.
Base sa ibinigay na risk classification ng naturang kagawaran, nasa minimal hanggang moderate risk ang mga bayan sa lalawigan ng Camarines Norte
ang tatlong bayan na nasa minimal risk ay ang Basud, Capalonga at Paracale.
Habang Ang mga bayan naman na nasa Low Risk ay ang Daet, Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Sta Elena.
Habang nasa Moderate Risk naman ang Labo, Mercedes, Talisay

