CAMARINES NORTE- Nananatili sa 0.72 ang purchasing power of the peso noong Hulyo mula nang mag umpisa ang kasalukuyang taon.
Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA) ang halaga ng piso noong 2012 ay nagkakahalaga na lang ngayon ng 72 centavos
Nangangahulugan ito na ang dating mabibili sa halagang P100 noong July 2012 ay katumbas na ngayon o kakailanganin ng P138. 6 para mabili ang dating dami ng produkto at serbisyo.
Batay sa month- on- month comparison sa Consumer Price Index for all income household sa Camarines Norte naitala ang pagbaba ng presyo sa ilang commodity groups lalo na sa “volatile” food items.
Kumpara noong Hunyo naobserbahan ang pagbaba ng presyo sa Food and Alcoholic Beverages group sa 0. 79 % (139.2 to 138.1)
Sa kabilang dako nagkaroon naman ng minimal higher price index sa pabahay, tubig, kuryente, Gas and other fuels, transport, Recreation and Culture, Furnishings, Household Equipment and Routine Maintenance of the House.
Gayundin sa clothing and footwear, Alcoholic Beverages and Tobacco.
Habang “steady” price index naman sa Restaurant and Miscellaneous Goods and services, Health, Communication at education.

