DOH, nakumpirma ang 177 na karagdagang COVID-19 Delta variant cases

Kinumpirma ng Department of Health ang 177 na karagdagang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa, kung saan karamihan nito ay gumaling na mula sa sakit.

Sa ngayon ay aabot na sa 627 ang kabuoang bilang ng mga kaso ng Delta variant na naitala sa bansa, kabilang na ang 13 na nanatiling aktibo.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sinabi ng DOH na mula sa 177 bagong Delta variant carriers, ay nasa 173 ang naka-recover na, 1 ang nasawi, habang 3 ang nanatiling under verification.

Samantala, mayorya naman o 144 ng mga bagong Delta variant cases ay maituturing na local infections, 3 ang returning overseas Filipinos, at 30 naman ang patuloy na bineberipika.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Base sa listahan ng DOH ay napag-alaman na matatagpuan ang pinakamaraming Delta variant cases sa Metro Manila na ngayon ay nasa 90.

Sumunod naman ang CALABARZON na may 25, Cagayan Valley na may 16, Ilocos Region na may 8, Cordillera na may 2, Western Visayas na may 2, at Davao Region na may 1.