CAMARINES NORTE- Arestado ang lima katao sa Capalonga, Camarines Norte na nahaharap sa kasong frustrated homicide makaraan ang labing isang taon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Victor Hilotin 47, Ruben Hilotin 42, Ramon Hilotin 58, Elizaldy Luna 46 at Medardo Villaraza 52, pawang residente ng Purok 2, Barangay Villa Aurora sa naturang bayan.
Ginawa ng mga pulis ang pag aaresto sa naturang mga akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 64 noon pang Enero 2010.
Nagrekomenda ng halagang P40,000 na piyansa bawat isa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng mga nabanggit na akusado.
Nasa kustodiya na ito ngayon ng Capalonga Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Dati nang sinabi ng pamunuan ng PNP sa Camarines Norte na patuloy ang kanilang Manhunt Charlie Operation para sa mga wanted person upang mapanagot sa ilalim ng batas.

