Cold storage facility ng CNPH inihahanda na para sa pagdating ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine

CAMARINES NORTE – Inihahanda na ngayon ang cold storage facility ng Camarines Norte Provincial Hospital para sa pagdating ng iba pang brand ng bakuna maliban sa mga naunang AstraZeneca at Sinovac.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kinumpirma ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na mayroong paunang impormasyon sa kaniya na may paparating na Johnson & Johnson COVID-19 vaccine.

Gayunman, hindi pa masabi sa ngayon kung ilang dose at kailan ito darating kaya’t patuloy lang umanong inihahanda ang cold storage facility para kung sakali mang dumating ang iba pang brand ng bakuna ay handa na ang paglalagyan nito.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang Johnson & Johnson COVID-19 vaccine ay ginawa ng american manufacturer na Janseen at ito ay “single shot” lang.

Matatandaang nauna na ring sinabi ni Francisco na may paparating na bakuna mula sa American pharmaceutical and biotechnology na Moderna pero wala pang eksaktong petsa kung kalian.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon pa kay Francisco pumapasok na kasi ang mga bakuna sa bansa tulad ng Gamaleya Sputnik vaccine gayundin ang Pfizer kaya’t posibleng hindi na matatagalan ay mayroon na ring dumating na suplay nito sa rehiyon.