‘Monstership’ ng China – wala na sa EEZ ng bansa ayon sa Navy

Wala na sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa ang presensiya ng ‘monstership’ ng China Coast Guard.

Ito ang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nauna nang namonitor ang barko sa Sabina o Escoda shoal na tila binantayan ang BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard dahil sa nasagap nilang tsismis na magsasadsad ng barko ang Pilipinas sa Escoda.

Nauna nang sinabi ni Trinidad na isa lamang ito sa false narrative ng China.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Nilinaw ng opisyal na kaya ipinwesto ang barko PCG sa lugar dahil sa namataang mga patay na corals doon.

Inaalam kung ito’y natural occurence o man made, kaya patuloy ang isinasagawang monitoring.