Nakarekober na ang lahat ng mga residente ng limang barangay sa bayan ng San Marcelino, Zambales na tinatamaan ng corona virus disease.
Ito ay base sa latest update ng Local Inter-Agency Taskforce as of September 27.
Kabilang sa mga barangay na zero active cases na ay ang Barangay Aglao, Barangay Buhawen, Burgos, Central at Barangay Sta.Fe.
Samantala ang Barangay Rizal na nag-zero active cases noong nakalipas na linggo ay nakapagtala muli ng apat infected corona virus.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: San Marcelino Public Information Office
