BICOL—Umabot na sa 36,403 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 374 na panibagong kaso.
Pinakamarami pa rin sa mga bagong kasong nadagdag ang mula sa Camarines Sur na may 210 kung saan 29 nito ay mula sa bayan ng Nabua, 23 sa Iriga City, 20 sa Goa, 15 sa Calabanga, 15 sa Naga City, 14 sa Pamplona, 12 sa Sipocot, 11 sa Camaligan, tigsampo ang Pasacao at Pili, tigwalo ang Baao at Milaor, pito sa Tigaon, anim sa Cabusao, apat sa Lupi, tigtatlo ang Canaman at Minalabac, tigdadalawa ang Libmanan, Sagñay at Siruma at tig-iisa ang Bato, Buhi, Del Gallego, San Fernando, San Jose at Tinambac.
108 ang naitala sa Sorsogon kung saan 44 nito ay mula sa Sorsogon City, 17 sa Juban, walo sa Casiguran, tigpipito ang Donsol, Pilar at Prieto Diaz, lima sa Castilla, apat sa Magallanes, tigtatlo ang Matnog at Gubat, dalawa sa Bulan at isa sa Bulusan.
43 ang bagong kaso sa Albay kung saan 17 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, anim sa Ligao City, tig apat ang Daraga at Tiwi, tatlo sa Tabaco City, tigdalawa ang Bacacay, Polangui at Sto. Domingo at tig-iisa ang Guinobatan, Malilipot at Malinao.
12 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tigtatlo ang mula sa bayan ng Daet at Labo at tig-iisa ang Basud, Jose Panganiban, Paracale, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Vinzons.
Isang kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes na mula sa bayan ng Bagamanoc habang bigo namang makapagpadala ng specimen ang islang lalawigan ng Masbate.
Samantala, 253 ang mga bagong gumaling na nadagdag kung saan 107 nito ay mula sa Sorsogon, 43 sa Masbate, 31 sa Camarines Norte, 30 sa Naga City, 22 sa Catanduanes at 20 sa Camarines Sur kung kaya pumalo na sa 23,906 ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol region.
Pumalo na rin sa 1,091 ang death toll matapos magtala ng limang bagong nasawi na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm