45 Militia ng Bayan at NPA supporters, sumurender sa mga awtoridad

Sumurender sa mga awtoridad ang 45 na indibidwal na may mga kaugnayan sa rebeldeng grupong NPA sa Sorsogon.

Kinabibilangan ito ng 15 miyembro ng Militia ng Bayan (MB) at 30 mga tagasuporta, lahat mula sa bayan ng Barcelona.

Ang mga MBs ay miyembro ng Larangan 1, Komite Probinsyal 3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) sa ilalim ng hukbo ng Celso Menguiz Command.

Kabilang sa 45 na indibidwal ay mga Barangay Tanod, Barangay Kagawad, karamihan ay mga magsasaka, jeepney drivers, laborer at mga maybahay.

Ang mga ito ay boluntaryong dumulok sa mga tauhan ng Bravo Company ng 22nd IB at sinuportahan naman ng 903rd Bde Intel Family, Barcelona MPS, 2PMFC, 504RMFB at ng PIU ng SPPO.

Ang ‘mass withdrawal of support’ ay isinagawa sa bayan ng Barcelona kasabay ng isang indignation rally.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *