Mangingisda, arestado sa drug buy-bust ops sa Pio Duran, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang mangingisda sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 3, Brgy. 2 bayan ng Pio Duran, Albay.

Kinilala ang naarestong suspek na si Luowen Buesing Sariola, 28 anyos at residente ng Purok 4 ng nasabing barangay.

Sa operasyon ng Pio Duran MPS kasabay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 5, pinagbentahan ng suspek ang poseur buyer ng 2 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang “shabu” na may timbang na 0.55grams sa halagang PHP5,000 bilang buy buat money.

Positibong kumagat sa pain ang suspek na agad inaresto nang magkaabutan na ng item at buy-bust money.

Nasa kustodiya na ito ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *