40k kabataan sa lungsod ng Legazpi target mabakunahan vs COVID-19

BICOL—Maliban sa mga nasa priority list, target din ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga kabataan.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, nasa 40,000 na mga kabataan ang plano nilang mabakunahan na bahagi rin ng target para sa herd immunity.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ngayon ay tinatapos muna umano ang mga nasa A1 hanggang A4 categories bago isunod ang pagbabakuna sa mga kabataan. Pfizer vaccine ang gagtamitin sa mga ito.

Sa kabuuan, umabaot na sa halos 70,000 indibidwal ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa lungsod at kung magpapatuloy ang pagbuhos ng vaccine supply ay hindi umano malayong maabot ang herd immunity sa Disyembre.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nabatid na nasa 120,000 na mga Legazpeño ang kailangang mabakunahan upang makuha ang herd immunity sa lungsod.# || slm