Umabot na sa 50 percent ng target adult population sa buong National Capital Region (NCR) ang fully vaccinated na o nakakumpleto na ng bakuna kontra covid-19.
Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nasa 70 percent naman ng 10 milyong populasyon sa Metro Manila ang partially vaccinated o nakatanggap na ng first dose.
Sinabi pa ng alkalde na patuloy ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pagbabakuna gamit ang 4 million doses ng covid-19 vaccine na ipinagkaloob ng pamahalaang nasyunal simula ng mag-umpisa ang enhanced community quarantine (ECQ).
Sa kasalukuyan, nasa 3.2 million doses na ng nasabing 4 million doses ang na-administered sa buong NCR. // MHEL PACIA-TRINIDAD
