4 pamilya nabigyan ng bangka para sa pag-aaral ng mga anak; free wifi nagagamit na rin

NAGA CITY—Laking tuwa an pasasalamat ng apat na pamilya mula sa Sitio Lipata Barangay Gogon, Caramoan, Camarines Sur matapos makatanggap ng libreng bangka mula sa Metrobang Foundation Inc.

Ayon kay Teacher Windell na isa sa mga founder o nagtatag ng Yellow Boat of Hope Foundation ang nasabing mga pamilya ay mula sa tinatawag na poorest of the poor na nawalan ng hanapbuhay dahil sa nagdaang Super Typhoon Rolly at Ulysses noong Nobyembre 2020.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Sa tulong ng Yellow Boat of Hope Foundation ay nakipag-ugnayan ang Metrobank Foundation Inc., upang maihatid ang naturang mga bangka sa kanilang mga benepisyaryo na sina Belen Lazado, Renante Bawa, Benjie Bolante at Pedro Mancilla.

Bukod sa pangingisda ay magiging daan din aniya ito para makatawid ng dagat papuntang paaralan ang mga mag-aaral para makakuha ng mga modules at maipagpatuloy ang pag-aaral ng walang balakid sa transportasyon.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

Bukod dito, may isa pang biyaya ang natanggap ng nasabing foundation dahil libre nang makakapag-internet ang mga mag-aaral ng Lipata Elementary School sa tulong ng Free WiFi For All ng Department of Information and Technology o DICT.

Dahil dito, hindi na mapag-iiwanan sa mga research at iba pang kapakinabangan ng internet ang mga estudyante sa malayong pook ng Caramoan.