Botolan LGU walang nakitang anumang aktibidad sa Bulkang Pinatubo

Wala umanong nakitang anumang aktibidad ang monitoring team ng Lokal na Pamahalaan ng Botolan, Zambales sa Bulkang Pinatubo kasunod ng pag-check nito sa lugar.

Ayon kay Mayor Bing Maniquiz, ang komunidad aniya malapit sa lugar ay wala ring naramdamang anumang kakaiba matapos ang phreatic eruption nakaraang Martes ng tanghali.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Maliban dito ay ipinaliwanag rin umano ng Mines and Geosciences Bureau na walang paggalaw ang bulkan.

Matatandaan na sa naging paliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Dir. Renato Solidum Jr., sinabi nitong maliit na usok lamang ang lumabas sa Pinatubo nitong Martes na masyadong maputi kaya ibig sabihin karamihan nito ay water vapor lang.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Wala rin aniyang nakikita o inaasahang pagsabog na may bagong magma na lalabas ang Phivolcs mula dito.

Samantala, sa kabila nito ay ipinagbabawal na muna ng LGU ang pagpunta malapit sa bulkan at nagkaroon na rin pulong kasama ang Pamahalaang Panlalawigan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'Symptoms of Vitamin c Deficiency Fatigue Bleeding Gums Depression Swelling Bruising Bone Pain Muscle Aches Joint Pain SHOP NOW! Lazada ASCORBIC ACID as Calcium Ascorbate) GUARD-C www.aa.'