Mahigit kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccine naibakuna na sa Bicol

BICOL—Umaabot na sa kabuuang 556,287 doses ng COVID-19 vaccine ang naibakuna na sa iba’t-ibang priority groups sa Bicol region base sa pinakahuling Vaccine statistics ng DOH Bicol kahapon, August 5, 2021.

Katumbas ito ng 66% ng kabuuang bilang ng mga bakunang natanggap ng rehiyon na umaabot na sa 840,840 doses. 407,129 ang naiturok sa first dose habang 149,158 sa second dose.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

78,442 na ang fully vaccinated sa A1 priority group o mga health workers; 37,053 sa A2 o mga senior citizens; 25,442 sa individuals with comorbidities o A3; 7,351 sa mga uniformed personnel o ang A4 category; 223 sa Indigent population o ang A5 category at 647 sa B1, B6 at C o other priorities.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas na vaccine allocation na nasa 260,570 doses. Sumunod ang Albay na may 222,222; Masbate 124,385; Sorsogon 116,007; Camarines Norte na may 70,793 at Catanduanes na may 46, 863 doses ng bakuna.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang vaccination rollout sa iba’t-ibang lalawigan para sa layuning maabot ang target na herd immunity at mapigilan na ang pagkalat pa ng COVID-19.### ||slm