4 na sakay ng tricycle na nabagsakan ng puno ng acacia sa Legazpi City, nagpapagaling na

LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na ngayon ang apat na mga indibidwal matapos mabagsakan ng puno ng acacia ang sinasakyan nitong tricycle sa kahabaan ng Brgy. Homapon, Legazpi City.

Matatandaan, nitong Sabado, kasagsagan ng maulan na panahon dala ng Bagyong Aghon, habang binabaybay ng nasabing tricycle ang kalsada galing sa Brgy. Imalnod, bigla na lamang bumagsak ang nabanggit na puno.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Halos nayupi ang unahang bahagi ng tricycle na nagresulta para masugatan ang mga sakay nito.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at sa tulong ng barangay, agad naidala sa hospital ang nga biktimang napag-alamang may mga bata.

Dahil nagdala na rin ng mabigat na daloy na trapiko ang nakaharang na malaking puno, ginamitan na ito ng chainsaw upang maputol at sa tulong naman ng DPWH 2nd District Engineering Office, agad na nakapagsagawa ng road clearing operation at matapos ang ilang oras, naging passable na ulit ang kalsada.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Paliwanag ng barangay, matagal nang nakausli ang mga ugat ng nasabing puno at ilang bagyo o mauulan na panahon na ang dumaan, hindi naman ito nabubuwal at hindi rin nila inasahan ang pangyayari.