4 na notorious wanted person sa Lambak ng Cagayan, arestado

Arestado ang apat na notorious wanted person sa lambak ng Cagayan matapos ang isinagawang magkakahiwalay ng operasyon ng kapulisan sa probinsiya ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang naarestong Top 1 most wanted person sa regional level na si Amado Macadaeg Sr. na residente ng Brgy. Punta, Aparri, Cagayan nahaharap sa kasong 2 counts of rape at Statutory Rape and Acts of Lasciviousness may kaugnayan sa RA 7610.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Appari, inabuso ni Macadaeg ang 12 anyos nitong stepdaughter sa loob mismo ng kanilang tahanan noong 2019 at 2020.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon sa salaysay ng biktima, ginagawa ng suspek ang sekswal na pang-aabuso sa kaniya sa tuwing natutulog o wala ang kaniyang ina naging dahilan kaya’t umalis ito sa kanilang tahanan.

Samantala, nadakip rin ng mga kasapi ng PRO2 sina Jay-ar Matas, 31 anyos, Top 7 wanted sa Municipal Level at residente ng Brgy. Magsaysay, Lasam, Cagayan na nahaharap sa kasong Attempted Murder; Prince Bautista, 37 anyos, Top 7 wanted Municipal level, residente ng Brgy. Centro, Abulug, Cagayan nan nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kabilang din sa naaresto si Roan Joy Cabulay, Top 8 Municipal Level, 35 anyos, isang guro, residente ng Molino 4, Bacoor, Cavite na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ang naturang mga suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na inisyu ng korte.

Pinuri naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan ang mga operating team para sa matagumpay na operasyon upang mapanatili ang mapayapang komunidad.