Pumalo na sa 1,765,675 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos maitala ang 10,035 bagong infections ngayong araw.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang naitalang mas mababang kaso ay dahil sa mababang laboratory output noong Linggo.
Dahil sa bagong kaso, umabot na sa 105,787 ang active tally ng virus sa buong bansa kung saan 96.1 percent ang mild, 0.9 percent ang asymptomatic, 1.3 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon.
Inanunsyo rin ng DOH na umakyat na ang total recoveries sa 1,629,426 matapos na gumaling ang 10,858 pang pasyente mula sa sakit habang 96 bagong fatalities ang naitala dahilan para pumalo na sa 30,462 ang death toll.
Batay din sa datos mula DOH, 71 percent ng intensive care unit beds sa buong bansa ang ginagamit na habang 52 percent ng mechanical ventilators ang okupado na.