4 na malalaking pabrika ng ilegal na sigarilyo sa Pampanga, sinalakay ng BIR

Ni-raid ng Bureau of Internal Revenue ang apat na naglalakihang pabrika ng iligal na sigarilyo sa Clark, Pampanga kung saan nasa mahigit walong milyong piso ang nadiskubreng tax liability na binubuo ng mga iligal na sigarilyo at makina.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ito na ang pinakamalaking illicit cigarette operation na isinagawa ng ahensya.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., patuloy na hahabulin ng BIR ang lahat ng mga sangkot sa illicit cigarettes, ito man ay maliliit na nagbebenta o smugglers hanggang sa mga large-scale manufacturers.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa Kasalukuyan, iniimbestigahan na ang mga negosyanteng sangkot sa operations ng mga pabrika.

Posible namang maharap ang apat na manufacturers sa National Internal Revenue Code.