4 na FCA, nakatanggap ng portable mini rice mill mula DA Cagayan Valley

Nakatanggap ang 4 na Farmers Cooperatives and Associations (FCA) ng portable mini rice mill mula Department of Agriculture Cagayan Valley.


Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang ipinagkaloob na 4 na units ng 2 in 1 portable mini rice mill ay nakasailalim sa Organic Agriculture Program ng DA Cagayan Valley.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire


Ang mga nabigyan ay kinabibilangan ng SAMBALAND Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative, Naimeng A Pagtaengan Producers Association (NPPA), Inc, Disimungal Farmers Association at Ivana Payaman Cattle Raisers Association.


Ayon sa ibinahaging pahayag ni George Caday ang Regional Coordinator ng naturang programa, ang mga ibinigay na makinarya ay sapat na upang alisin hulls at brans mula sa mga palay na parehong makakagawa ng polished at brown rice.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City


Aniya, hindi lamang nito matutugunan ang problema sa limitadong postharvest facilities kundi magsisilbi rin itong negosyo para sa produktong organic rice.

Isinagawa ang pagbibugay ng nasabing nga makinarya sa 23rd Corn Derby sa DA Cagayan Valley Research Center, City of Ilagan, Isabela.