2 estudyante mula Isabela, nakatanggap ng parangal sa TIMO 2021 Worldwide

Nakatanggap ng gold at silver medal award ang 2 estudyante ng Regional Science High School for Region 2 sa Tumauini, Isabela sa ginanap na Thailand International Mathematics Olympiad 2021 worldwide.


Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, itinanghal na overall 2nd runner up si Jay Lord Uggadan at nakatanggap ng gold medal award habang nakatanggap naman ng silver medal award si Richdayne Earth Dwight Tumamao sa parehong Senior Secondary Group.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station


Ang naturang mathematics Olympiad ay ginanap online kung saan ang mga kalahok ay mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa kung saan nahati ito sa grupo na kinabibilangan ng kindergarten, primary 1-6, Secondary 1-3 at Senior Secondary Group.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod


Magugunita na una nang nakatanggap ng silver awar si Uggadan at bronze award si Tumamao sa ginanap na Philippine International Mathematical Olympiad 2021 noon Marso.