4 minero patay sa landslide sa Gen. Nakar, Quezon

Agad na naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamilya ng apat na mga minerong nasawi matapos na matabunan ng buhay sa nangyaring landslide sa Sitio Angelo, Brgy. Umiray, Gen. Nakar, Quezon.  

Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawi na sina Ramil M. Binalao, 49; Sherly Felos Angeles, 37; Jonathan Delos Angeles, 39 at Dionelyn Datario, 36, pawang mga residente ng Tanay, Rizal.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO, nangyari ang landslide dakong alas-4:00 ng madaling araw kahapon kasabay sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Natabunan umano ng gumuhong lupa mula sa bundok sa bahagi ng Sitio Angelo ang tinutuluyang bahay ng mga biktima.

Narekober ng PDRRMO at Gen. Nakar LGU sa tulong ng 2Nd IB ng Philippine Army ang bangkay ng mga biktima sa isinagawang search and rescue operation na naging pahirapan dahil sa sama ng panahon at layo ng pinangyarihan ng insidente.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dinala na sa Camp Capinpin sa Tanay ang naturang mga bangkay.

Samantala, namahagi na rin ng food packs ang Gen. Nakar LGU sa mga pamilyang naapektuhan ng nangyaring landslide.