Pagkakaroon ng ligtas at malinis na pagkain, patuloy na isinusulong ng DA kaugnay ng food safety awareness week

NAGA CITY – Isang malaking parte ang ginagampanan ng Department of Agriculture (DA) kasama ang Department of Health (DOH) pagdating sa pagkakaroon ng ligtas at malinis na pagkain.

Bilang pakikiisa sa Food Safety Awareness Week, nagkaroon ng Regional Food Safety Focal Group Consultative Meeting kung saan mas pa-iigtingin ng dalawang ahensya ang pagsulong sa mandatong ito sa pamamagitan ng paglatag ng mga plano at proyektong makatutulong na maisakatuparan ang kanilang layunin.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni DA Bicol Spokesperson Love Guarin na maging ang mga magsasaka ay mahalagang magkaroon ng kaalaman sa mga paraan at hakbang ng tamang pagtatanim at pag-aani para masiguro ang kaligtasan ng mga pagkain.