37 mga bayan sa Bicol region, inaasahang makikinabang sa nasa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng mga proyekto ngayong covid-19 pandemic

 BICOL – AABOT sa 37 mga bayan sa rehiyon ang inaasahang makikinabang sa nasa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng mga proyekto na layong matulungan ang mga mamamayang apektado ng nagpapatuloy na krisis na dala ng covid-19 pandemic.

Popondohan nito ang konstruksyon ng mga quarantine facilities, pagbili ng mga medical tools at supplies, at implementasyon ng mga cash-for-work activities na pangungunahan naman ng DSWD sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS program.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay DSWD-Bicol regional director Leo Quintilla, tinukoy ng mga bayan na magiging benepisyaryo base sa  poverty incidence, income class, at bilang ng mga barangay na naapektuhan ng mga kalamidad mula 2014-2020.

Ang mga proyekto  sa ilalim ng programa na tatawaging Additional Financing–Community-Based Response for Covid-19 (AF-CBRC) ay pakikinabangan ng mga bayan ng 13 mga bayan sa Camarines Sur; tig-a-anim na mga bayan mula Catanduanes, Sorsogon at Camarines Norte; lima sa Masbate at bayan ng Manito sa Albay.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Quintilla, ang nabanggit na mga bayan ay isinailalim sa capacity assessment para matiyak ang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng mga ito na makiisa sa implementasyon ng programa.

Samantala, hahatiin sa dalawang grupo ang mga benepisyaryo kung saan, aarangkada ang implementasyon ng programa mula buwan ng Hulyo hanggang Disyembre para sa first group habang ang para sa ikalawang grupo ay tatakbo mul mula August 2021 haggang 2022.