BICOL – BUMABA mula moderate patungong LOW ang level of risk sa covid-19 ng Bicol region,
Ito ang inihayag ng Department of Health o DOH-Bicol sa isinagawang pag-uulat sa COVID-19 nitong nagdaang araw.
Ayon kay Ken Nuyda, ng epidemiology surveillance unit ng nasabing ahensya, muli umanong nagsagawa ang Bicol region ng risk assessment sa pamamagitan ng DOH.
Dito ay nagkaroon umano ng comparison o paghahambing sa mga naitalang kaso mula May 30 – June 12 at June 13 – June 26, 2021.
Gamit ito ay nagsagawa umano ng re-assessment ang rehiyon pagdating sa ‘risk’ sa covid-19 at ito ay naipresenta umano sa IATF noong June 29.
Base naman sa update nito ay nadetermina na bumaba sa LOW ang level of risk ng rehiyon.
Ayon kay Nuyda, malaki umano ang naitulong ng paghihigpit ng mga LGU at establisyemento nitong nagdaang dalawnag linggo sa pagpapatupad na health protocols at preventive measures kontra covid-19 upang mapababa ang risk classification ng rehiyon.
Alinsunod umano ito sa sa rekomendasyon na isailalim sa GCQ ang
buong rehiyon pero sa halip ay nagamit ang MGCQ base sa national recommendation.
Mababatid na sa mga panahong ito ay isinailalim sa ang lungsod ng Naga sa MECQ kung kayat bahagya umanong bumaba ang kaso nitong nagdaang dalawang linggo.
Sa kabila nito, patuloy na umapela ang DOH-Bicol sa publiko na huwag magpakampante at patuloy na sumunod saa mga ipinatutupad na pag iingat upang hindi makahawa o mahawaan.