PINARANGALAN ng Guinness ang isang two-year old na Chihuahua mula sa US na si Pearl matapos itong makumpirma bilang “World’s Shortest Dog”.
Ayon sa ulat, maihahalintulad lang sa sukat ng isang $1bill ang asong si Pearl kung saan nasa 9.14 cm lang ang taas nito habang 12.7 cm naman ang kanyang haba.
Tila kabaliktaran naman ng karaniwang pag-uugali ng isang Chihuahua ang mga katangiang taglay ni Pearl, dahil bukod sa natatangi nitong liit, siya ay isang kalmado at tahimik na aso lamang.
Samantala naganap naman ang opisyal na pag- anunsyo ng nasabing titulo sa isang tv show sa Italy na tinawag na Lo Show Dei Record.###CD