300 residente sa Saint Claire, Brgy. Pequeña, Naga City, apektado na ng water shortage sa lungsod

NAGA CITY – Apektado na ang tatlong daang 300 residente sa Saint Claire, Barangay Concepcion Pequeña, Naga City, sa araw-araw at halos maghapong water shortage sa lungsod.

Isa si Rorando Miranda, sa sobrang naapektuhan lalo na’t negosyante siya, halos gabi-gabi rin puyat makapag-ipon lamang ng tubig na dumarating ng mga ala 1 hanggang alas 2 ng madaling araw, at muling mawawalan ng alas 5 na ng umaga.

Ayon naman kay Amaro Vergara, Presidente, halos sa isang Linggo isang beses na lang sila kung maglaba kadalasan na lang kasi para sa inumin at pampaligo na kailangan ng mga eskwela, lalo na’t ang pagkukulang sa suplay ay matagal nang problema sa lugar hindi lang ngayong tag-init na ilang beses na ring ipinanawagan sa Lokal na Pamahalaan.

Sa panayam naman kay Choppy Dela Cruz, Information Officer ng Metropolitan Naga Water District, epekto ito ng matinding init na nararanasan ngayon, bumaba kasi mula 40 naging 25 na lang ang spring water source, maging ang mga ibinubugang liter per second ng suplay ng tubig sa pumping station ng Del Rosario, 16 hanggang 18 lps na lamang, na sinisikap ng opisina na magkaroon pa ng mga water pump station, at sisikaping makarequest ng water lorry para sa Saint Claire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *