Konstruksiyon ng slope protection, patapos na

Malapit nang matapos ang konstruksiyon ng slope protection sa ilang bahagi ng Cagayan River Basin upang maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbaha sa Barangay Mozzozzin Sur, Sta. Maria, Isabela.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Aabot na sa 95% ang natapos sa sa nasabing flood mitigation structure kung saan inaasahan itong matatapos ngayong buwan ng Mayo.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kalakip ng naturang proyekto ang paggawa ng 2,982 cubic meters ng konkretong slope protection.

Ito ay pinondohan ng P189.8 Million sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).