BNFM BICOL— Mapapakamot nanaman sa ulo at mapapa “aray” ang mga konsumidores ng kuryente sa lalawigan ng Albay.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Albay Power and Energy Corporation o APEC ang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero.
Batay sa anunsiyo ng korporasyon, madaragdagan ng ilang sentimos ang February 2022 Billing ng kanilang mga member consumers dahil umano sa pagtaas rin ng ‘generation at transmission charge’.
Bunsod nito, asahan ang dagdag singil na .2797 centavos per kilowatt hour na may overall rate na P13.5793/kWh sa loob ng isang buwan para sa mga residential; P12.5957/kWh naman sa mga commercial establishments at P11.3335/kWh para sa mga high voltage.###