300 bakawan itinanim sa baybayin ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Aabot sa kabuuang 300 mangrove propagules ang naitanim noong Biyernes sa karagatang sakop ng Mercedes, Camarines Norte.

Pinangunahan ng 503rd Maritime Command, katuwang ang Mercedes Municipal Police Station, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Tourism Office at ilang residente ang pagtatanim ng bakawan.

Read More:  4-Year-Old boy killed in Kabankalan SUV crash

Bahagi ito ng Police Community Relations Month Celebration na may temang Pulisya at Pamayanan, BARANGAYAnihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen”

Importante ang mga bakawan dahil nagiging breeding ground ito ng mga isda

Nagsisilbi rin itong pananggalang sa malakas na alon at proteksyon laban sa kalamidad at maaari ring pagkuhaan ng kabuhayan ng komunidad.

Read More:  178 sacks of moldy rice disposed of in Bantayan, Cebu

Ayon sa grupo, habang maaga ay kinakailangang gumawa na ng nararapat na aksyon upang mapangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng kahit kaunting “effort” na magbabago sa mundo.

Ang pagtatanim umano ay mayroong layunin at ito pakikinabangan ng higit na nakararami.

(Photo courtesy: PNP Maritime)