18-anyos na binata panibagong nadagdag sa bilang ng mga may HIV/AIDS sa Naga City

NAGA CITY – Patuloy na tumataas ang kaso ng nagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa Naga City.

18-anyos ang panibagong napabilang sa kaso.

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Grace Guevarra,  chief ng city hygiene clinic sinabi nito sa ngayon ay may 27 ng kaso silang hinahawakan mula pa sa buwan ng Enero hanggang ngayong Hulyo.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ang datus na ito, ayun kay Guevarra ay mataas ng 140% kung ihahambing noong nakaraang taon sa kaparehong mga buwan.

Nakakalungkot ang ganitong bilang subalit ito dahil aniya ito na ang bunga ng kanilang ginagawang regular na HIV/AIDS Free Testing sa lungsod at maging sa ilang mga bayan sa Camarines Sur na kung saan marami ang nahihikayat na magpa-test.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Kahapon ang grupo nina Guevarra ay nasa bayan ng Pamplona para sa ganitong programa na kung saan nagkaroon sila ng kliyenteng halos nasa 30 miyembro ng LGBTQ Community.