Catholic prelate may paalala sa mga lider, unahin ang bayan bago ang sarili

CAMARINES NORTE- Bayan muna, bago sarili !

Ito ang paalala ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa lahat ng lider sa gobyerno, simbahan at maging sa iba’t- ibang organisasyon.

Nitong linggo, sinabi ni Bishop Alarcon na siya ring Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na kailangang taglayin ng mga lider ang dalawang mahalagang katangian.

Ito umano ang malasakit at palaging handang maglingkod o compassion and availability.

Binigyang diin ng Obispo na ang pagiging lider ay hindi lang pagkakaroon ng malinaw na pananaw kundi kailangan ang pagmamalasakit sa mga nasasakupan.

“A shepherd has a compassionate heart, ang mabuting pastol ay maawain at may malasakit,” ani Alarcon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

The good shepherd serves not only with the clear vision but also with the heart of compassion, compassion is the availability to suffer with the flock.”

Aniya, ang mabuting pastol ay palaging iniisip ang kabutihan ng mga tupang ipinagkatiwala sa kaniya pero ang bayaran ay pera umano ang hinahanap.

At sa maraming pagkakataon umano ay nasasakpripisyo maging ang pamamahinga at ang oras para sa sariling kaligayahan na dapat tanggap raw ng isang lider.

“There is no other way, to be a shepherd is to care, to serve, to work, to listen beyond the ordinary way, kailangan tanggap natin na dahil tinanggap natin ang pagiging pastol o lider ay parang wini- wave natin ang karapatang magpahinga. We have the right to rest, but by embracing leadership, parang wini wave mo, kailangan tanggap mo yan.”

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Para naman sa isa pang opisyal ng CBCP na si outgoing Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo dapat umanong tingnan ng mga botante sa pagpili ng mga susunod na lider ay ang halimbawa ng pagiging lider ni Jesus.

Sa gitna ito ng pag init ng usaping pulitika halos isang taon bago ang May 2022 elections.

Hindi rin umano dapat paniwalaan ang mga pinapalabas na survey ngayon dahil isa lamang umano itong uri ng “mind conditioning” na binabayaran ng mga pulitiko bilang propaganda tools.