3 pang labi mula sa C-130 plane crash sa Sulu, natukoy ng AFP

Tatlo pang labi ng military personnel na nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu ang natukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isang buwan matapos ang trahedya.

Ayon sa AFP, kumpirmado mula sa report mula SOCO Crime Lab Region IX ang pagkakakilanlan nila Corporal Jerome M Balivado, Private Joey T Loterte, at Private Kevin L Damole, na pawang mula sa Philippine Army.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sa pamamagitan ng Western Mindanao Command, nakipag-ugnayan na ang AFP sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo at inaayos na ang agarang paghahatid ng mga labi ng mga ito sa kanilang mga hometowns.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Dahil dito, 37 bangkay na ang nakilala, habang 13 ang sumasailalim pa sa identificayion process para matiyak na maibibigay agad ang mga labi sa mga pamilya nito..