VP Leni, planong makapagdesisyon by Sept. o Oct. kung tatakbo sa 2022 elections

Plano ni Vice President Leni Robredo na makapagdesisyon na sa September o October kung tatakbo sya sa 2022 elections.

Sa kanyang weekly radio program, sinabi ng bise presidente na pag naghain sya ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (COMELEC) ay di sya magwi-withdraw.

Kung matatandaan, itinakda ng Comelec ang paghahain ng COCs mula October 1 hanggang 8 ngayong taon.

Nang tanungin muli ang VP kung kailan sya magdedesisyon para sa susunod na eleksyon, sinabi nitong tututukan muna nya ang pandemic efforts ngayong patuloy na tumataas ang COVID-19 cases sa bansa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Una nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na di pabor si Robredo sa ideyang unification dahil nais ng senador na tumakbo sa pagka presidente, posisyong kinukunsidera rin ng pangalawang pangulo.

Kinumpirma ng bise presidente na tumanggi sya sa unification formula ni Lacson sa Eleksyon 2022 dahil nais nyang matiyak na sigurado sya sa kanyang election bid.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Di na nagbigay pa ng ibang detalye si Robredo pero iminungkahi umano ng senador na maghahain sila ng COC pero kailangang mag-withdraw ang mga contenders na mayroong pinakamababang bilang ng supporters.

Gayunman, sinabi ni Robredo na di sya mawawalan ng pag-asa ngayong humahanap sila ng iba pang formula para sa unification.