3 mga empleyado binawian ng buhay dahil sa matinding init sa Pili, Camarines Sur

NAGA CITY- Tatlong mga empleyado ang binawian ng buhay dahil sa init ng panahon sa Pili, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mayor Tom Bongalonta. Aniya ang huli rito sinubukan pang dalhin sa ospital pero umuwi ito, pagdating sa bahay hindi nawala ang masamang pakiramdam hanggang sa dinala na sa ospital pero hindi na ito umabot pa ng buhay, atake umano sa puso ayon pa sa alkalde. Nabigyan na ng ayuda ang pamiliya ng tatlong mga job order employees.

Ilang linggo na ang nakararaan ng magpalabas ng memorandum ukol sa work adjustment ang LGU, pero ayon sa alkalde may mga trabahong hindi maiiwasan na nasa labas tulad ng traffic enforcer, street cleaners at iba pa. Muling pinaalala ng opisyal na isaalang-alang ang kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *